After a hectic day in Cagayan De Oro the previous day, we were in for a really busy day as we were getting out of CDO (our homebase for this trip) and go all the way to Camiguin.
We wanted to see this place not only because of their famous landmarks but also to taste their Lanzones, which was said to be the sweetest this side of the universe.
The call time was originally at 4AM pero nagpakatotoo na kami and moved it to 6am.
Keber na kung madaming tao.... Tao din naman kami eh. :)
We are to embark into more or less 3-4 hours of travel.
Ito ang detalye:
CDO to Balingoan Port via hired Van 2 hours
Balingoan Port to Benoni Port (Camigiun) via Roro Ferry 1 hour
MADUGO.
Don't you think so too?
Isama mo pa na may dalawa kaming Senior Citizens at isang Toddler na ubod ng kulit. Complete with their accessorries ha na itago na lang natin sa tawag na Wheelchair at Stroller.
Kaya sinimulan namin sa isang piging bago mapasabak sa bakbakan, hehehe.
|
Pupungas-pungas pa nasa Jollibee na. |
Kaunting sandali pa ay nasa Balingoan Port na kami.
Sakto naman na may paalis na barge that time so gorabels na kami agad.
|
Nag bonding kami sa Toilet nyan ni Mommy and R kaya di complete this picture. |
At, hindi nga nagbiro si Manong Driver ng Van.
Cast of multitudes nga ang peg inside the ferry.
Pumunta din ng Camiguin ang taumbayan!
|
Hindi umobra ang pa-tweetums mo, Cousin Bonn kahit pa naka magic "Sarong" ka.
Walang gentle-gentleman dito! Tumayo ka lang jan for the rest of the journey, ehkei?
|
|
Habang eto naman ang mahal kong asawa nangarap
maging Kapitan bilang wala ngang maupuan.
|
|
Sad. The things these boys will do for money. :(
Huwag tangkilikin mga Peeps. This is dangerous and inhumane.
Magtinda na lang sila or something. Really really sad.
|
Maya maya pa, natatanaw ko na that we are already near sa aming patutunguhan.
|
First glimpse of Camiguin |
And, here we are na nga!
|
Hayun na si Governor oh, may pinagawa pa talagang tarpaulin just for us.
I heart you already Mr. Governor. You are so accommodating. Chos.
|
We were met by our our hired driver in Camiguin and since it is almost lunch time, he brought us na sa isang "Eat all you Can" eatery.
Keribels ang presyo: Tumataginting na 120 pesoseses lang. Winner!
Then, inumpisahan na namin ang field trip.
First Stop: Katibawasan Falls
|
Thank you for visiing and please Camiguin! |
But since it was a long walk from the entrance to the falls, Mommy decided that she stays in the entrance na lang and, being the dutiful daughter that I am, sinamahan ko na lang siya.
Ang bait ko ano? Hehehe.
That is the truth pero partly, dahil din yon dito:
|
SHOPPING GALORE!
Imbes KATIBAWASAN Falls, napunta kami ni Mommy sa KABAWASAN ng bulsa.
Pansinin ang attire ni Inay. Nakapag costume change na already?
Gusto talaga agad agad nang ipakita ang purchase? May pinagmahan pala ako, haha.
|
Ito ang susunod na destinasyon sa aming itinerary. Honestly, wala na akong na re-remember diyan.
Sorry naman.
|
Wala ngang na re-remember di ba? Sana patawarin na kung wala ring caption di ba? |
And then, we were brought to another place that is supposed to be another Camiguin attraction.
Ready to go down the van na kami miski slight nag-uuntugan na mga ulo namin sa antok habang nasa biyahe.
Kaso lang, napaurong kami nung nag dialogue si Kuya Driver slash Tourist Guide slash Comedian nang ganito: "Maganda po diyan. Aakyat kayo nang hagdan ng mahabang mahaba tapos nandun po ang Stations of the Cross at Volcano".
Ay Manong, the last time we checked, February pa lang. Holy Week is not until the last week of March.
Tsaka malapit naman sa amin ang Tagaytay. Old Volcano din naman po ang Taal.
LET'S SCRATCH THE IDEA, NOW NA!
|
Salamat Tita Remy for saving us from kahihiyan. Siya lang naman ang bukod tanging napilit ni Kuya
na magpa-picture man lang. Clap Clap!
|
Next stop was a "ruin" na mabilis namang dinugtungan ni Kuya nang "Mga sampung hakbang lang po makikita nyo na!" kaya naman dali-dali kaming bumaba ng Van.
|
Very rustic at picture perfect nga namn. :) |
May bonus pa na centuries old na puno. So, our verdict, winner ditey mga Kumare!
|
Bongacious sa laki di ba? |
Piktyuran muna uli.
|
Piktyuran nga. Ano pa ba hinihintay nyong caption.
Hehehe.
|
Ayan, we were nearing the end of our tour. Sa totoo lang, we were dying to get to our resort na and enjoy the beach. Kaso lang, kabilin-bilinan ata ni Governor (na winelcome kami warmly via the tarpaulin kanina remember n'yo?) na iikot kami sa lahat ng lugar doon so who are we to refuse hindi ba?
The next stop, I really made sure to see for myself kasi this is quite famous.
|
The Sunken Cemetery |
Apparently, nilubog ng earthquake ang buong bayan including a cemetery thousands of years ago. Scary really pero hitik a hitik sa history. Me likey likey.
To the showbiz fanatic: Dito nag shooting si Juday and Jolens ng kanilang horror na pelikula na pinamagatang Ouija. Tumabo ba ito sa takilya mga Ateh?
Common, aminin mo na, napanood mo iyon!
After that, we were ready to check in na sa aming house for the night: PARAS BEACH RESORT!
|
Yeah, that's our "soshala" house in the backgound. I know, right? |
It was a good choice for we had the pool just outside our door. As in no more than ten steps din like the ruins.
|
Yeah, that's our "soshala" backyard pool. I know, right? |
So, after settling in sa respective rooms namin, we wee ready to go to the highlight of this Camiguin trip of ours: A trip to the famous CAMIGUIN WHITE SAND BAR located in the middle of the ocean.
We purposely chose Paras Beach Resort because it is just 10 minute away the resort by boat. As in natatanaw na namin from our room.
|
The Boys' Boat. Camera shy si Manong Bangkero like me?
|
|
Ito naman sa amin. May pinagdadaanan yata ang Anak ko dito ah. |
Approaching the Sand Bar. I was hyperventilating.
|
Danda danda nga! |
We were told na no one is allowed to stay there overnight. May mga caretakers ang island and they make sure na nakaalis na lahat ng tao pagdilim.
Walang kahit anong estblishment/structure sa area and that made it even more special. Pang day tour lang talaga. I also heard na kapag high tide, lumulubog ang part ng island. I just do not know how true is that.
|
Just like the way I want it.... |
We rented (sa caretaker na may bahid ng pagiging entrepreneur) an umbrella and banig at spent the rest of the afternoon there to watch the sunset. What a surreal feeling.
|
Ah, this is the life....
|
|
Walang basagan ng trip ang drama namin doon.
|
|
Father and Son bonding. I likey so much! |
May dumaang nagtitinda ng "snail". At syempre pa, pinatulan pa rin namin bilang wala namang mapaglilibangan doon. Haha.
|
Jackpot ka Manong!
Eh Kuya, baka naman may tinda kang ref magnet o kaya "I heart the White Sand" T-Shirt diyan?
Wahaha.
|
|
Busy ang Bacocoy namin! |
Ayan, dito na nagtatapo ang Camiguin leg ng vacation namin.
We went back to our resort, ordered room service, chit chat a little, and off we dozed the night away.
Huy, may susunod na kabanata pa ito ha. Pumunta pa kami sa Bukidnon bago kami bumalik ng CDO.
Abangan mga mudrabels ha. Ktnxbye.
POSTSCRIPT: We were not able to taste nor at the very least see any Lanzones. :(
Apparently, hindi daw in season. Boo for us.